95

By

Flight attendant nagpadede ng baby ng pasahero

Sharing is caring!

Isang flight attendant sa Philippine Airlines Express flight ang walang pasubaling tumulong sa isang baby na todo ang iyak.

Sa kanyang Facebook post, sinabi nitong ang iyak ng bata ang nag-udyok sa kanya na sabihin sa magulang nito na maibsan ang gutom ng baby.

“Everything went smoothly until after take off, I heard an infant’s cry, a cry that will make you want to do anything to help. I approached the mother and asked if everything’s okay, I tried to tell her to feed her hungry child.

Teary-eyed, she told me that she ran out of formula milk. Passengers started looking and staring at the tiny, fragile crying infant,” saad sa kanyang caption.

At dahil kakapanganak lang niya siyam na buwan na ang nakakaraan, naisip niyang gawan ito ng paraan.

“I felt a pinch in my heart. There’s no formula milk onboard. I thought to myself, there’s only one thing I could offer and that’s my own milk. And so I offered.

Ms. Sheryl Villaflor, Line Administator on my flight, immediately assisted the mother to the galley where I breastfed the baby. The baby started rooting, she was so hungry,” dagdag pa niya.

Umani na ng halos 20K shares ang post, at ang ibang mga netizen ay saludo sa simpleng kabayanihan na nagawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?