31

Sep 21, 2020 @ 11:50
By

Fishy nito! Mga tilapia sa Manila white sand beach ‘tinanim’ umano

Walang dapat ipagdiwang sa nasaksihang nagkukumpulang mga tilapia sa baybayin ng mala-white sand beach sa Manila Bay kahapon.

Sabi ito ng Twitter account na @MangingisdaSays.

Sa isang thread, pinaliwanag ng netizen kung paano niya nasabing “tunay na planted” ang mga nakitang isda noong LInggo ng umaga, sa huling araw na pansamantalang nakabisita ang mga Pinoy sa artipisyal na puting buhangin–na gawa sa dinurog na dolomite–sa Manila Bay beach front.

“This is weird. Mukhang lethargic yung mga isda. Look at the way na nasasama sila sa alon. That’s quite unusual. Fishes are rheotactic. They usually go against the currents. At parang di rin sila lumalayo pag nilalapitan sila,” ayon sa @MangingisdaSays.

May sense organs din daw ang mga isda na kanilang ginagamit upang hindi sila magkaumpugan sa isa’t isa. Kaya aniya “there’s really something fishy here” dahil makikitang dikit-dikit at sumasabay sa agos ng tubig ang mga tilapia.

“Really unusual” din aniya na nagsu-schooling ang mga tilapia sa mababaw na lugar kung pwede naman silang lumangoy dahil malawak ang katubigan doon. Schooling ang tawag sa grupo ng mga isda na lumalangoy sa parehong direksiyon at sa coordinated na paraan.

“This is not a reason to celebrate. They’re dying,” ayon pa sa netizen.

 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?