247
Fish vendor nagbigti sa 3rd floor
By

Fish vendor nagbigti sa 3rd floor

Lawit ang dila at maputla na nang matagpuan ang nakabigting katawan ng isang fish vendor sa loob ng silid ng kinakasamang bakla sa Quezon City.

Batay sa report ni PO1 Morshid D. Tanog, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-singko ng umaga (March 01) nang matagpuang nakabigti si Jerome Flores Campos, 23-anyos, may live-in partner, fish vendor sa ikatlong palapag sa kanyang tahahan sa No. 64-A Mauban St., Brgy. Manresa ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ng baklang live-in partner na nakilalang si Robin Lagria Garcia, pagdating umano niya sa kanilang tahanan ni Campos, ay nagtaka siya kung bakit nakakandado ang pintuan sa loob ng kanilang silid.

Makailang ulit umano niyang kinatok ang pintuan ng silid ng kinakasamang si Campos subalit walang nagbubukas kaya napilitan na siyang puwersahang sirain ang seradura ng pinto,

Nang mabuksan ang pintuan ay halos matulala si Garcia nang bumungad sa kanya ang nakabigting katawan ni Campos sa kisame, gamit ang pinagbuhol-buhol na mga damit na ipinulupot nito sa leeg saka itinali sa kisame.

Sa takot ay agad na ipinagbigay alam ni Garcia kay Lanie Eria Bulatao, kapatid ni Campos na naninirahan lamang sa ikaapat na palapag at agad nilang isinugod sa Quezon City General Hospital ang huli subalit idineklara itong patay na bandang alas-6:04 ng umaga ng attending physician na si Dr. Mary Rose Alvarez.

Tumanggi namang paimbestigahan pa ng kapatid ang ginawang pagbibigti ni Campos dahil kumbinsido umano siya na sadya itong nagpakamatay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?