24

By

Fiscal Autonomy sa ilalim ng BBL, unconstitutional – Andaya

Sharing is caring!

Pinatitingnang mabuti ni House Deputy Speaker at Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr. sa tatlong komite ng Kamara na nag-apruba sa Bangsamoro Basic Law (BBL) ang constitutional issues ng ilang probisyon ng panukala.

Sabi ni Andaya, kailangang tiyakin na “airtight” ang pagtitibaying BBL para hindi masayang ang pagsisikap ng administrasyong Duterte na maisabatas ito.

Partikular na tinukoy ni Andaya ang Section 1 ng Article 12 ng House Bill 6475 tungkol sa Fiscal Autonomy ng Bangsamoro na ayon sa kongresista ay unconstitutional base sa umiiral na jurisprudence.

Paliwanag nito, ang fiscal autonomy ay itinakda ng Konstitusyon at hindi maaaring palitan kahit pa ng batas na ipinasa ng Kongreso.

“It is a constitutional grant and cannot be attained by membership. This is the ruling of the Supreme Court on the power of fiscal autonomy,” ayon kay Andaya.

“Congress cannot, by law, grant such power. Congress’s own power of fiscal autonomy is merely implied by a resolution, while only those which are expressly granted by the Constitution like the Judiciary and the Ombudsman enjoy full benefits of autonomy. The spring cannot rise above the source. Even the president does not have the same powers,” dagdag ng kongresista.

Iginiit ni Andaya na kailangang plantsahin ang mga probisyong ito sa debate sa plenaryo para maging akma sa Saligang Batas.

“I am certain there is a solution to this. We should put our heads together to come up with a provision that will be held as constitutional. There should be refinements in language that will give the Bangsamoro wide latitude in the use of funds in a way that will be upheld as constitutionally compliant,” ani Andaya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?