45

Jan 1, 2021 @ 20:05
By

First time! Valenzuela ‘zero sugatan’ sa paputok

Sa unang pagkakataon, walang naitalang sugatan dahil sa paputok sa pagsalubong sa Bagong Taon sa Valenzuela City.

“As of 8am today, for the first time in history, zero cases of firecracker injuries both in our private and public hospitals!,” masayang balita ni Mayor Rex Gatchalian sa Twitter post nitong Biyernes.

Noong nakaraang linggo, nagpasa ang local government unit ng ordinansa na nagbabawal sa pagbebenta, paggawa at paggamit ng mga paputok at pyrotechnic device sa lungsod.

Ani Gatchalian, dahil sa kumonti ang nagpaputok, hindi nahirapan ang local government na maglinis ng mga kalsada matapos ang selebrasyon ng New Year.

“Normally, the day after New Year’s Eve, ubod ng dumi mga kalsada natin dala ng fireworks,” aniya sa hiwalay na post.

“Though there were some isolated matitigas ang ulo cases na nag sindi…konting konti lamang at nahuli at na fine pa sila. Pero halos lahat sumunod,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?