10

Dec 30, 2020 @ 15:23
By

First time! Senior citizen na Pinoy aakyat sa 10M

Sa unang pagkakataon, ayon sa Commission on Population and Development (PopCom), lalampas ang bilang ng mga Filipino senior citizen sa 10 milyon pagsapit ng 2021.

Katumbas ito ng 9.07 percent ng kabuuang populasyon ng bansa.

“This is the first time we’re hitting 10 million senior citizens and we know that the COVID-19 pandemic itself is a current threat to seniors—the mortality is highest among those 60 years and older,” ani PopCom executive director Juan Antonio Perez III sa isang online press conference, Miyerkoles.

“The seniors are more likely to have a higher health burden, meaning they need more health services than the younger age groups,” banggit niya pa.

Punto ni Perez, nasa 20% lang ng naturang populasyon ang may pension. Ibig sabihin aniya, 80% ng matatandang Pinoy ang umaasa sa kanilang kamag-anak para suportahan sila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?