94

Sep 12, 2021 @ 15:37
By

First time sa PH history! John Arcilla kinilalang Best Actor sa Venice Film Festival

Nasungkit ng isang Pilipino sa unang pagkakataon ang Best Actor award sa isang prestihiyosong film festival sa Italy.

Ito ay matapos maiuwi ni John Arcilla ang Coppa Volpi for Best Actor award sa 78th Venice Film Festival para sa pagganap niya bilang si Sisoy Salas sa pelikulang “On the Job: The Missing 8.”

Kaugnay nito, may virtual speech naman ang aktor na siyang hindi nakalipad patungong Italya.

“If there is something that I really regret tonight is that I will not be able to kiss my own Volpi Cup there in the middle of Venice and on that red carpet just like the other 77 great actors whom I admire who have already kissed their own, this most wonderful and prestigious award,” wika niya.

“So I am also the happiest actor tonight of course also because I know that we came from different countries and we have different languages and cultures and yet I can feel oneness tonight and I can feel that you understand me and we understand each other. It’s because of the art of cinema,” dagdag pa niya.

Ibinahagi din ng Best Actor ang isang video sa kanyang Instagram kung saan nakatanggap ang naturang pelikula ni Direk Erik Matti ng five-minute standing ovation matapos itong ipalabas sa naturang patimpalak.

Kabilang na ngayon si Arcilla sa hanay ng mga Coppa Volpi awardees kasama sina Ben Affleck, Brad Pitt, at Adam Driver.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?