13

Sep 15, 2021 @ 16:40
By

First time! Rihanna, ASAP Rocky rumampa bilang magdyowa sa Met Gala

Halos dumapa ang lahat ng dumalo sa Met Gala nang dumating na ang reyna na si Rihanna kasama ang kanyang nobyo na si ASAP Rocky.

Ito kasi ang unang beses na dumalo sa ball ang dalawa bilang opisyal nang magdyowa.

Makikita si “Queen of Met Gala” suot ang Balenciaga na outfit na black overcoat na may ka matchy-matchy na sumbrero.

Samantala, kung anong initim ng porma ni Riri ay siya namang kinulay ng kay ASAP.

Batay sa report, ang dream couple ang huling rumampa sa red carpet.

May temang “In America: A Lexicon of Fashion” ang naturang event na siyang ginanap sa Metropolitan Museum of Art sa New York.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?