8

Aug 6, 2020 @ 9:49
By

First time! Post ni Trump binura ng Facebook dahil fake news

Inalis ng Facebook ang post sa page ni US President Donald Trump dahil naglalahad ito ng pekeng impormasyon ukol sa coronavirus.

Ang tinutukoy na post ay video clip mula sa Fox News interview ni Trump kung saan sinasabi ng Pangulo na “almost immune” ang mga bata sa COVID-19.

Maririnig si Trump na sinasabing dapat magbukas na ang mga paaralan.

“If you look at children, children are almost — and I would almost say definitely — but almost immune from this disease,” sabi pa ng US President, at na meron daw stronger immune systems ang mga bata.

Ayon naman sa Facebook, “This video includes false claims that a group of people is immune from COVID-19 which is a violation of our policies around harmful COVID misinformation.”

Ito ang unang beses na nagbura ang Facebook ng post mula sa pangulo.

Marami mang bata ang mild lang ang COVID-19 symptoms, napag-alaman ng mga researcher na natatamaan pa rin ng coronavirus ang kabataan at kaya nilang makahawa ng ibang tao, kabilang ang mga kasama sa bahay at mga guro.

Batay pa sa Centers for Disease Control and Prevention, higit 240,000 bata na sa US ang COVID-19 positive.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?