28

Jan 20, 2021 @ 18:34

First-time! Nora Aunor gaganap na kontrabida

Sa kauna-unahang pagkakataon sa 50 taon ng kanyang career ay gaganap ang tinaguriang “Superstar” ng Philippine cinema na kontrabida.

Si Nora Aunor ang bida sa movie ni Adolf Alix Jr. na “Kontrabida”, bilang aktres na si Anita.

“Sabi niya first time niyang makakagawa ng all-out kontrabida role, dahil ‘yung mga dati puro gray roles na character. Excited siya dito and I am glad she is taking the risk,” ani Alix sa ulat ng ABS-CBN.

Ang movie ay tribute rin sa namayapang veteran actress na si Anita Linda.

Kasama sa cast ng “Kontrabida” sina Rosanna Roces at Bembol Roco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?