20

Sep 17, 2020 @ 11:55
By

First time! MRT-3 may gumaganang 21 train set

Posibleng mas maikli ang maging tagal ng paghihintay ng mga commuter sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) gayong na-deploy nito kahapon ang 21 train set, na pinakamarami sa dalawang-dekadang kasaysayan ng nasabing rail line.

Nahigitan nito ang 20 train set na meron ang MRT-3 hanggang noong Setyembre 14.

“This is a product of DOTr and MRT-3’s collaboration to improve the rail line’s service for the riding public. We want to keep our commitment to provide our passengers with the best service they can experience,” ani MRT-3 Director for Operations Michael Capati sa isang press release ngayong umaga.

“This allows the MRT-3 to shorten the waiting time interval between trains, and enables the rail line to increase its passenger capacity,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?