37

Jan 11, 2021 @ 10:23
By

First time! Ivana nakitang umiyak ang nanay

Emosyonal si Ivana Alawi at kanyang mga kapatid matapos ang kanilang prank sa nanay nila.

Sa kanyang vlog na nilabas noong Sabado, nagpanggap sina Ivana at kapatid niyang si Hashim na nag-aaway.

“Nag-walk out” si Hashim kaya sinundan ito ng kanilang nanay.

Doon na nakita ni ‘Mama Alawi’ ang Ford Expedition car. Binigay din ni Ivana ang susi, tapos inabot naman ng kapatid na si Bona ang mga dokumento na nagpapatunay na sa nanay nga ang bagong kotse.

“Sa akin talaga ‘to?” tanong ng nanay, na sinagot ng tango ng magkakapatid.

“Thank you… Sweet n’yo naman, ‘di ko naman kailangan ‘yan e. Kayo lang, masaya na ako,” sey pa ng ina.

“Ma! First time kitang nakitang umiyak,” komento naman ni Ivana. Nagyakapan silang mag-iina.

Sabi ng 24-anyos na aktres, sa vlog, gusto muna niyang bilhan ng mga kotse ang kanyang nanay at mga kapatid bago niya bilhan ang sarili.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?