60

May 20, 2020 @ 13:04
By

First time! Barko ng PH Navy dumaong sa Pag-asa Island

Sa pinakaunang pagkakataon, ayon sa military noong Martes, mayroon nang barko ang Philippine Navy na dumaong sa Pagasa island sa West Philippine Sea.

Ayon kay Naval Forces West commander Renato David, dumaong nitong Mayo 13 ang BRP Ivatan sa port ng isla, na nasa pinal na yugto na ng konstruksiyon, bilang parte ng rotation at resupply mission ng mga militar sa iba’t ibang detachment ng ‘Pinas sa WPS.

Nakabalik ang barko sa Puerto Princesa City, Palawan nitong Mayo 17, matapos ang ilang-linggong paglalayag sa WPS kabilang na sa Rizal Reef Detachment, Lawak, at Patag Islands.

Ayon kay NFW acting public affairs officer Lieutenant Maivi Neri, sa isang ulat, hindi makadaong ang mga Navy ship sa Pagasa Island mula pa noong 1980s dahil sa hindi tapos na port.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?