225

By

First movie team-up nina Rhian Ramos at JM de Guzman, nagsimula na!

Nagsimula nang gumiling ang kamera ng first team-up nina Rhian Ramos at JM de Guzman sa “Kung Paano Siya Nawala” nu’ng Sabado, July 14. Bale co-producers din ang dalawa ng TBA Studios at Arkeo Films.

Ang TBA Studios (kasama ang Artikulo Uno at Globe Studios) ang producer ng highly anticipated film na “Goyo: Ang Batang Heneral” na pinagbibidahan ni Paulo Avelino, at nakatakdang ipalabas sa Setyembre 5.

Sa interviews kina Rhian at JM, sinasabi ng dalawa na excited na sila sa kanilang unang pagtatambal at sa gagawin nilang pelikula na ididirek ni Joel Ruiz at mula naman sa panulat ni Aloy Adlawan.

Si direk Joel ang commercial director ng pamoso at nag-viral na “Kuwentong Jollibee” (video series titled “Crush” nina Ashley Ortega at Enrico Cuenca).

Taong 2008 nu’ng unang sumabak sa paggawa ng commercial film si direk Joel at naging official entry pa sa 2008 Cinemalaya Philippine International Film Festival ang pelikulang “Baby Angelo.”

Nagsimula siya nu’ng 2005 via a short film “Mansyon” na entry sa short film section ng 2005 Cinemalaya and eventually, nagwagi bilang Pinakamahusay Na Maikling Pelikula (Best Short Film) sa 2006 Gawad Urian. Nasundan ito ng isa pang short film titled “Ang Ibang Mga Pamilya” nu’ng 2008 na bahagi rin ng 2008 Cinemalaya.

Ang “Kung Paano Siya Nawala” ay comeback movie ni direk Joel pagkaraan ng sampung taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?