11

Dec 3, 2020 @ 9:31
By

First gay wrestling star Pat Patterson pumanaw

BINAWIAN na ng buhay si dating wrestling star Pat Patterson.

Nasawi sa edad 79, pero hindi tinukoy ang sanhi ng pagpanaw nito.

Ang Canadian wrestler ang nagpasikat ng Royal Rumble sa wrestling kung saan tinuring niya ang kanyang sarili bilang first gay superstar.

Nagsimula ito sa wrestling taong 1950 at sumabak na rin sa WWE taong 1970 kung saan bida pa ito sa libro niyang “Accepted: How the First Gay Superstar Changed WWE.”

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang naging malapit kay Patterson kabilang na sina wrestling star Dwayne “The Rock” Johnson at John Cena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?