78

Jun 23, 2022 @ 21:44
By

First Cavite Industrial Estate binuwag ni Duterte

Binuwag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang First Cavite Industrial Estate Incorporated (FCIEI) na dating joint venture ng National Development Company (NDC).

Ang paglusaw sa FCIEI ay nakapaloob sa Memorandum Order Number 62 na pinirmahan ni Executive Secretary Salvador Medialdea nitong June 23, 2022.

Nakasaad na memorandum order na wala nang saysay ang original na layunin ng korporasyon dahil hindi na ito nag-o-operate at hindi na cost-efficient.

“The Governance Commission for Government -Owned and Controlled Corporations has recommended the abolition of the FCIEI after determining that its original purpose is no longer relevant to the State; it is no longer achieving the objectives and purposes for which it was originally designed and implemented; it is not cost efficient; It is dormant and non-operational; and it is involved in activity best carried out by the private sector,” anang bahagi ng memorandum order.

Ang First Cavite Industrial Estate Inc. ay narehistro sa Securities and Exchange Commission noong December 14, 1990 at nagsimula bilang joint venture project ng NDC para mag-develop, mag-operate, magpa-renta at mangasiwa sa industrial estates.

Itinatag ito para i-develop ang property ng NDC sa Dasmarinas, Cavite bilang Imdustrial Estate at economic zone.

Gayunman, noong 1999 ibinenta ng ilang joint venture partners ng FCIEI ang kanilang shares sa NDC kaya ito na ang naging parent company at naging daan para irekomenda noong 2015 ang pagbuwag sa FCIEI at lahat ng utang nito sa Philippine Economic Zone Authority o PEZA ay dapat mabayaran.

December 21, 2021 nang maaprubahan ang deactivation ng FCIEI at ngayon ay Ipinag-utos ni Pangulong Duterte na buwagin na ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?