19

Mar 8, 2021 @ 16:55
By

First aid training sa tourism worker itinulak sa Kamara

Dagdag puntos umano sa Pilipinas kung maaaprubahan ng Kongreso ang panukalang mandatory first aid training sa mga empleyado sa tourism sector.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon, sponsor ng House Bill (HB) 8781, mahalaga na matiyak ang kaligtasan ng mga turista sa bansa kaya dapat mayroong alam sa first aid ang mga tourism service provider.

“Many instances in my experience as a tourist, I have encountered tourism service providers who lack not only trained first aiders but even a basic first aid kit,” ani Biazon.

Ang HB 8781 ay nakasalang sa plenaryo ng Kamara de Representantes bago ang pag-apruba sa ikalawang pagbasa.

Sa ilalim ng panukala, ang mga empleyado ng tourism establishments, tourism-oriented organizations at iba pang empleyado na nagbibigay ng tourism-related services ay kailangang sumailalim sa basic first aid training ng Philippine Red Cross at iba pang training institutions.

“We are experiencing growth in our tourism industry because as the world has gotten smaller with social media, more and more people from other countries are seeing parts of the Philippines that attract them to visit the Pearl of the Orient,” dagdag pa ni Biazon.

Aniya, kulang man ang pondo ng gobyerno sa international commercials para maengganyo ang mga dayuhan na bumisita sa bansa, maaari namang maipakita ang ganda ng bansa sa pamamagitan ng social media.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?