258

By

First 4 Official MMFF 2018 Entries, inihayag na!

Sharing is caring!

Inihayag na ng Screening Commitee kaninang hapon- chaired by National Artist Bienvenido Lumbero- ang first four official entries ng Metro Manila Film Festival 2018 o MMFF sa gaganaping Pista ng Pelikulang Pilipino sa Disyembre.

Mula sa 24 scripts, ang mga napili ay ang mga sumusunod:

Ang una ay ang Anne Curtis starrer titled “Aurora” mula sa Viva Films na ididirek ni Yam Laranas.

Ang ikalawa ay ang “Fantastica: The Princess, The Prince and The Perya” na tatampukan nina Vice Ganda, Maris Racal, Loisa Andalio, at Maymay Entrata. Ito ay ididirek ni Barry Gonzales.

Ikatlo ang “Girl In The Orange Dress” na ipoprodyus ng Quantum Films at MJM Productions. Itatampok dito’y sina Kim Chiu, Jessy Mendiola, Jericho Rosales, Tom Rodriguez, Sam Milby at Keith Thompson at mula naman ito sa direksyon ni Jay Abello.

Ang huli’y ang “Popoy En Jack The Puliscredibles” na pagbibidahan nina Vic Sotto at Coco Martin. Magiging co-production venture ito ng CCM Films Productions, MZet Productions at APT Entertainment. Ang magiging direktor naman ng movie ay so Rodel Nacianceno (real name ni Coco).

Ipinaalala rin ng MMFF Committee na ang deadline ng finished films ay sa September 21, 2018, at ang scripts para sa Short Films category ay sa August 31, 2018.

Ang MMDA (Metro Manila Development Authority), headed by its Chairman Danilo Lim, ay ang implementing agency ng taunang MMFF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?