67

Dec 31, 2017 @ 16:48
By

Fireworks display areas, pinababantayan sa LGUs

Pinatitiyak ni Quezon City Rep. Winston Castelo sa mga lokal na pamahalaan ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan sa pagsalubong ng bagong taon.

Ipinaalala ng kongresista ang intensyon ng Executive Order 28 kung saan nagtatalaga lamang ng fireworks display areas.

Ayon kay Castelo, tungkulin ng Local Government Units (LGUs) na tiyaking walang gagamit ng paputok sa ibang lugar maliban sa firecracker zones.

Kaugnay nito’y dapat rin naman anyang bantayan ang fireworks display areas na inaasahang dadagsain ng mga tao dahil sa tradisyon sa pagsalubong ng bagong taon.

Sa ilalim ng EO 28, bawal magpaputok o gumamit ng sariling fireworks sa kanya-kanyang bahay. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?