237

Dec 28, 2017 @ 13:16
By

Firecracker zones sa CAMANAVA, inilabas ng NPD

Inilabas na ng Northern Police District (NPD) ang mga Firecracker Zone (FZ) kung saan puwedeng magpailaw o magsindi ng mga ligal na paputok na itinalaga ng mga pamahalaang lungsod ng Caloocan, Malabon at Navotas ngayong Bagong Taon.

Ayon NPD Dir. PCSupt. Amando Clifton Empiso, nasa 64 na mga FZ ang itinalaga sa Caloocan City dahil ito ang pinakamalaki sa tatlong lungsod.

Nasa 21 naman ang itinalagang FZ sa Malabon, habang isang FZ lang ang itinalaga sa Navotas: ito ay sa C4 Road, Centennial Park na matatagpuan sa Barangay Bagumbayan North.

Dagdag pa ng NPD chief, mahigpit na umano niyang ipinag-utos sa tatlong city chief of police maging sa Valenzuela, na may dalawang FZ, na paigtingin ang pagsasagawa ng operasyon laban sa iligal na pagpapaputok maging ang pagtitinda nito na malinaw na paglabag sa Republic Act 7183 o iIllegal manufacture and sale of firecrackers and pyrotechnics.

Sisikapin umano ng NPD na maipatupad ang zero firecracker incident sa kanilang nasasakupan.

Pinaalala rin ng NPD sa publiko na isumbong umano sa kanila ang mga gagamit ng paputok sa labas ng FZ gayundin ang mga gagamit ng mga bawal na paputok at maging ang lahat ng iligal na gawain at krimen na masaksihan sa hotline numbers: (02) 287-3717, 0920-8684916 (Smart) at 0917-3885970 (Globe) o sa 911. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?