146

Jan 1, 2018 @ 12:33
By

Firecracker-related injuries, umabot sa 191 – DOH

Mahigit sa 191 ang naitalang nasugatan dahil sa paputok at isa naman ang ang tinamaan ng ligaw na bala batay sa talaan ng Department of Health at Philippine National Police.

Sa isang press conference, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na naitala ang 191 kaso simula Disyembre, 2017 hanggang Enero 1, 2018.

Wala namang naitalang namatay at pito ang naputulan.

“We are relatively pleased, relative because there are still injuries, but pleased because the substantial reduction or decrease in fireworks related injuries,” sabi ni Duque.

“It’s the [biggest] reduction recorded so far,” dagdag pa nito kasabay ng pagsabing ang kabuuhang kasong naitala sa 12-araw ay 68 porsiyentong mas mababa kumpara sa nagdaang taon.

Ayon kay Duque, ang paggamit ng piccolo pa rin ang may pinakamaraming naitalang kaso (94 kaso) kasunod ang kwitis (14 kaso).

Pinakabatang biktimay ng paputok ay 11-buwang baby habang ang pinakamatanda naman ay 96 anyos.

Karamihan sa mga kaso ay sugat sa kamay (15 kaso). (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?