53

Dec 31, 2017 @ 10:51

Firecracker injuries bumaba ng 40% – PNP

Sumadsad sa 40 porsiyento ang ibinababa ng nasugatan sa paputok ngayong holiday season, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Sa isang statement ng PNP, mula Disyembre 21 hanggang Disyembre 29, 2017, may kabuuhang 72 firecracker-related injuries na naitala.

Ito ay 40 porsiyento o 40 kasong pagbaba na naitala kumpara noong 2016.

Ito rin ay 50 porsiyento o 104 kasong pagbaba kumpara sa limang taong average mula 2012 hanggang 2016.

Samantala, 14 katao ang inaresto ng pulisya dahil sa pagbebenta ng illegal firecrackers habang P14,230 halaga naman ng mga iligal na paputok ang nabawi sapul nang umpisahan ang Oplan Ligtas Paskuhan noong Disyembre 16.

“The early campaign, operations and surprise inspections of the PNP on different fireworks selling establishments helped a lot to reduce the firecrackers and stray bullet incidents,” ayon kay PNP spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?