123

By

Firecracker ban ipatutupad sa 12 barangay sa Makati

Magpapatupad ang Makati city government ng total firecracker ban sa 12 sa 33 barangay ng lungsod.

May direktiba naman si Mayor Abby Binay sa mga opisyal ng 21 pang barangay sa lungsod na mahigpit na sundin ang kautusan ng Department of Interior and Local Government sa pagtatalaga ng designated community fireworks area.

Kasabay nito ang kanyang panawagan sa mga opisyal ng barangay na tiyakin na maaabot nila ang zero casualty at accident free na pagsalubong sa bagong taon.

Paliwanag naman ni City Administrator Claro Certeza sa pagbalangkas nila ng guidelines ukol sa Executive Order 28 ay isinalang alang nila ang mga istraktura at kabahayan.

Paalala pa ni Certeza kailangan din na may nakahandang mga firetrucks, ambulansiya at medical teams sa mga lugar kung saan lang maaring gumamit ng mga paputok.

Samantala ang 12 barangay na may total firecracker ban ay ang Bangkal, Magallanes at Pio del Pilar, Rizal, Cembo, East Rembo, Northside, Pinagkaisahan, Carmona, Olympia, San Antonio, at Sta. Cruz.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?