101

Jan 1, 2018 @ 12:47
By

Firecracker ban effective – Palasyo

Ikinagalak ng Malacañang ang maayos, napayapa at ligtas na pagsalubong sa bagong taon.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque na malaki ang naging kabawasan sa paggamit ng paputok dahil halos walang nagpaputok maliban sa paggamit ng sparklers.

Indikasyon lamang aniya na epektibo ang administrative order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagbabawal sa paggamit ng mga mapaminsalang paputok, bagkus ay magtakda ng isang lugar sa barangay para doon gawin ang fireworks display at pagpapaputok.

“Napatunayan natin na bagamat napakalaking bawas ng paputok ngayong bagong taon,patuloy na naging maligaya ang sambayanan at hindi kinakailangang magpaputol ng daliri, ng kamay, ng mata para tayo magsaya sa pagpasok ng bagong taon, at napatunayan natin yan ngayong bagong taon,”ani Roque.

Bagamat mayroong mangilan-ngilang pasaway, sinabi ng kalihim na malaki pa rin ang nabawas sa bilang ng listahan ng Department of Health.

Batay sa record ng DOH, nakapagtala ng 191 na kaso ng mga biktima ng paputok at isa ang tinamaan ng ligaw na bala.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, ito ang pinakamalaking kabawasan sa kasaysayan ng ahensiya o 68% na mababa kumpara noong nakalipas na mga taon. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?