15

Oct 16, 2021 @ 19:51
By

Fire extinguisher sumabog, kelot lasog

Nagkawatak-watak ang katawan ng isang lalaki sa Bacolod City nitong Biyernes matapos umanong masabugan ng fire extinguisher.

Kinilala ang biktima bilang si Ricman Marvin Rillo, 33-anyos.

Ayon sa ulat, dakong alas-1:05 p.m. ng hapon ng mangyari ang insidente.

Natagpuan na lamang ang si Rillo na may sugat sa ulo habang watak-watak ang ibang parte ng kanyang katawan.

Balot din ang katawan ng biktima ng puting foam mula sa extinguisher.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?