134

By

Fingerprint scanner para masawata ang mga flying voter, ilulunsad sa 2019 elections

Gagamit na ang Commission on Elections (Comelec) ng automated voter verification para malabanan ang pamamayagpag ng mga flying voter.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, nakatakda nilang isailalim sa pilot test sa May 2019 midterm elections ang nasabing sistema kung saan sa araw ng eleksyon, maglalagay ang Comelec ng Voter Registration Verification System (VRVS) Machine sa mga piling polling precinct.

Sa pamamagitan ng nasabing makina, isasailalim sa scanning ang daliri ng mga botante bago bigyan ng balota.

“Imbes na hihingan siya (botante) ng ID, kailangan niya lang ilapat ang kanyang daliri doon sa fingerprint scanner. And then scanner will say kung siya ay registered voter sa presinto na ‘yun,” paliwanag ni Jimenez.

Kung lalabas umano na positibo ang resulta ng fingerprint scanning, bibigyan ang botante ng balota, at kung hindi naman tumugma, lalabas na ang botante ay hindi umano rehistrado sa lugar.

“This is a step forward in our fight against flying voters. And we hope to see good results from this. If the results are good, the idea is to expand the use in other places,” dagdag ni Jimenez.

Kabuuang 32,067 VRVS machine ang plano umanong i-deploy ng Comelec sa May 2019 elections.

Pinondohan ang proyekto ng P1.16 billion, pero nagpapatuloy pa ang proseso ng bidding para dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?