180
sherwin-gatchalian
Jun 17, 2019 @ 16:30
By

Financial literacy dapat ituro sa high school – Gatchalian

Para kay Senador Sherwin Gatchalian, mahalagang mapag-usapan lalo na sa mga senior high school na nasa mga lalawigan ang financial literacy o kaalaman ukol sa pananalapi gaya ng pag-iimpok ng pera at money management.

Ito’y matapos ang nangyaring pinakamalaking investment scam sa Pilipinas ng Kapa Ministry International sa Davao na umabot ng hanggang P50 bilyon.

Ani Gatchalian, laganap aniya ang investment scam sa malalayong lugar dahil sa kawalan ng kaalaman sa kahina-hinalang investment scheme.

Dagdag pa ni Gatchalian, na chairman ng Senate Committee on Economic Affairs, na magtatakda siya ng pagdinig sa mga opisyal ng Securities and Exchange Commission para talakayin ang Kapa investment scam at posibleng pag-amyenda sa existing laws.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?