38

Jan 18, 2020 @ 14:53

Finals MVP ng Gov’s Cup: Pringle mas bet kesa kay Japeth

Muling pinaiyak ng Barangay Ginebra Gin Kings ang Meralco Bolts sa korona ng PBA Governors Cup matapos itarak ang 105-93 victory sa Game 5 nitong Biyernes.

At itinanghal na Finals Most Valuable Player (MVP) ng championship series si Ginebra forward Japeth Aguilar na nagtala ng 17.4 points, 7.0 rebounds at 3.4 blocks kada laro.

Kung marami ang sumang-ayon na si Japeth ang itinanghal na MVP sa titular showdown, marami rin sa mga netizen ang tutol dito.

Ang iba, mas pabor na si Stanley Pringle ang dapat tinanghal na Finals MVP.

Ayon kay Facebook user Mark Giovanne Gerson Balbuena, mas deserving si Pringle para sa award. “Dapat pringle ang mvp…kalukuhan na yan.”

Sinegundahan naman ito ni FB user Arnold Paluga Torotot, “dpat c stanly ang mvp.”

Ganito rin ang sentimyento ni netizen Santos Jr Cornelio, “dapat si Pringle Sana MVPfinals.”

Hindi rin solb sa nahirang na Finals MVP si Eddieboy Cadiang, “pang volleyball lang ‘yan puro block japwet,” habang si Rolan Flores sinabing puro dunk lang ang kayang gawin ni Japeth, “Oo puru dunk lng ang Alam.”

Para naman kay Ginebra coach Tim Cone, deserve ni Japeth maging Finals MVP, pero kung meron pang isa na dapat hiranging pinakamagaling sa serye, si Scottie Thompson iyun.

“If I had to pick a second MVP, I would have picked Scottie,” ani Cone.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?