19

Oct 13, 2020 @ 12:37
By

Final na! Velasco bagong House Speaker

Natapos na ang sigalot sa bangayan sa Speakership matapos na pormal na mahalal si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco bilang bagong Speaker ng Kongreso.

Ito’y matapos na ratipikahan ng 186 kongresista ang kanilang boto para kay Velasco kasunod ng naging nomnasyon sa Celebrity Sports Plaza nitong Lunes.

Martes ng umaga ay dumating na ang kampo ni Velasco sa Batasang Pambansa para maisapinal na ang pagkakatalaga sa Marinduque congressman bilang lider ng Kamara.

Ito’y bago pa magsimula ang special session ng Kongreso para sa pagpasa ng proposed 2021 national budget.

Sa Facebook Live ni Cayetano, hinayag din nito na siya’y nagbibitiw na sa pwesto bilang House Speaker.

Nagkaroon ng term-sharing agreement ang dalawa kung saan mauupo si Cayetano bilang House Speaker sa loob ng 15 buwan, 21 buwan naman ang binigay kay Velasco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?