205

Dec 26, 2019 @ 18:59

Final na! Pilot run ng Angkas, motor taxi, hanggang 2020 na lang

Hindi na papalawigin pa ang pilot program para sa Angkas at dalawa pang nadagdag na motorcycle taxi provider, ayon sa technical working group na sinusuri ito,

Ayon kay TWG chairman Antonio Gardiola Jr, wala na silang planong i-extend pa ang hanggang Marco 2020 test run ng mga motorcycle taxi dahil aniya, sapat na umano ang tatlong buwan para mapag-aralan nila ang bagong scheme ng pagko-commute.

“For us, siguro that’s enough, because we have our own monitoring na. We will come up with a conclusive study,” ayon kay Gardiola.

Tatlong motorcycle ride-hailing service ang sasalang sa nasabing pilot run – ito ay ang Angkas, MoveIt at JoyRide.

Matapos ang pilot run ay kanila nang ipapasa ang datos na nakalap at ibibigay sa Kongreso para mapagdesisyunan na kung mapapasa ba bilang bagong public utility vehicle.

Ibig sabihin ay matapos ang Marso 2020 ay hindi na muli maaaring pumasada ang mga motorcycle hailing apps hangga’t hindi ganap na nagiging batas ang pagpayag sa kanila na magsakay ng mga pasahero.

“Tapos na eh, tapos na ang TWG, wala na kaming role, nag-submit na kami ng recommendation, so walang tatakbo kasi hindi pa yan law eh,” paliwanag nito

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?