43

By

‘Final Four’ ni Kiefer Ravena sa UAAP 81, alamin!

Sharing is caring!

Ibinahagi ng dating Ateneo star na si Kiefer Ravena kung sino sa tingin niya ang aangat ngayong parating na UAAP Season 81 na aabante na sa Setyembre 8, Sabado.

Ayon sa ngayong NLEX rookie, napipisil niya na makatungtong sa Final Four ang dati niyang koponan na Ateneo Blue Eagles, De La Salle Green Archers, NU Bulldogs at Adamson Soaring Falcons.

“Target is Ateneo with only a few players graduating from the champion team. But with everybody gunning against them, its going to be harder to defend the crown. DLSU will still bring its winning tradition to the table” saad ni Kiefer.

Ngunit nilista rin ni Kiefer ang UST Growling Tigers at UP Fighting Maroons bilang maaaring makasilat ng puwesto sa playoffs ng collegiate league.

“Will see if mayhem will transfer to UST and the more experienced UP team can end its final four drought.” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?