47

By

Final draft ng nirebisang GCTA IRR, tapos na

Tuluyan nang tinapos ng Department of Justice (DOJ) at Department of Interior and Local Government (DILG) Joint Committee ang isinagawa nitong pag-review sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco, sapul nang matapos ng komite ang kanilang trabaho ay agad nila itong isinumite kay Justice Secretary Menardo Guevarra at Interior Secretary Eduardo Año, na mangangasiwa sa huling pag-review at magdedesisyon din sa draft ng IRR.

“The Joint Review Committee has completed its work and submitted the draft IRR to the Secretaries of Justices and of the Interior and Local Government. Both will now review the draft IRR and decide on its promulgation,” ayon kay Marco.

Hihirit naman ang Joint Committee ng extension ng kanilang mandato para muling pag-aralan o i-review pa ang manual at guidelines o panuntunan ng RA 10592 at para makapagrekomenda sila ng mga kinakailangan pang revisions dito.

“In the meantime, the Joint Review Committee will ask the Secretaries for an extension of their mandates to review and recommend revisions to the Uniform Manual and Guidelines for the implementation of RA No. 10592,” aniya.

Sa ngayon, inaasahan ang isang ceremonial signing ng DOJ at DILG Secrataries ng nirebisang IRR ng GCTA law sa susunod na linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?