57

Sep 28, 2021 @ 18:12
By

Final answer: Pacquiao pahinga na sa boxing

Muling nilinaw ni Senador Manny Pacquiao na titigil na siya sa pagboboxing.

Sa panayam sa kanya nang bumisita siya sa Cebu kamakailan, kinumpirmang muli ni Pacman ang pagreretiro sa isport na nagpasikat at nagpayaman sa kanya.

“Retire na,” wika ni Pacquiao sa panayam ng The Freeman. “Dili nako mo-away. OK pa ako Iihok pero tama na. Dugay na pud ko sa boksing (Hindi na ako lalaban. May galaw pa ako pero hindi na sapat. Matagal na rin ako sa pagboboxing).”

Unang sinabi ng dating eight-division world champion ang pagreretiro sa YouTube channel ni Toni Gonzaga.

“Boxing career ko? Tapos na ’yung boxing career ko,” ani Pacquiao. “Tapos na. Kasi matagal na din ako sa pagboboxing. ‘Yung pamilya ko laging sinasabi ‘tama na.’ Nagtuloy-tuloy lang ako kasi passionate ako sa sport na ito.”

Matatandaang kinontra ni MP Promotions chief Sean Gibbons ang balitang magreretiro sa Pacman dahil ang boksingero lang umano ang makapagsasabi nito.

Ang boxer-senator ay tatakbong pangulo sa 2022 elections.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?