267
Forced repatriation sa Libya, pag-aaralan pa ng Palasyo
By

Final ‘12’ ng PDP-Laban, kinakasa na ng Palasyo

Isinasapinal na ng Malacañang at mga opisyal ng Partido Demokratikong Pilipino -Laban (PDP-Laban) ang maging final line-up para sa mga mga isasabak sa pagka-senador sa 2019 midterm elections.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) secretary Martin Andanar na maraming mga gustong tumakbo sa ilalim ng administration party pero 12 lamang ang kailangan nilang i-endorso.

Ang mga sigurado na aniya ang slot ay mga re-electionist gaya nina senators JV Ejercito, Cynthia Villar, Koko Pimentel at Sonny Angara.

Ang iba pang ikinukunsidera sa final list ng PDP-Laban ay sina Ilocos Norte Governor Imee Marcos, Congresswoman Pia Cayetano, dating PNP Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, secretary Francis Tolentino at Special Assistant to the President Bong Go.

Pero sinabi ni Andanar na hindi pa sigurado si Go dahil hindi pa ito nagbitaw ng opisyal na posisyon sa kanyang plano.

Isa aniya sa requirement sa final line-up ay ang potensiyal na mananalo, kung sino ang kakampi sa politika at pabor sa federalismo.

“Ang kino-consider ay kung sino ang kakampi sa pulitika, winnability at kailangan sang-ayon sa federalismo,” ani Andanar.

Ang mga cabinet members na tatakbo naman sa local position ay sina Secretary to the Cabinet Jun Evasco para maging governor ng Bohol, TESDA chief Gene Mamondiong, governor, Philippine Ambassadoe to Kuwait Abdullah Mamao na tatakbo ring governor sa isang lalawigan sa Mindanao.

Ilan pa sa mga pangalang ikinukunsidera ng Malacañang at PDP-Laban ay ang mga journalist na sina Jiggy Manicad at Mon Tulfo, at ang mang-aawit na si Freddie Aguilar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?