75
Yeng-Guiao
By

‘Final 12’ ng Gilas Pilipinas, tatalupan bukas – Guiao

Nakita na umano ni national team coach Yeng Guiao kung anong adjustment ang kanilang gagawin matapos ang tune-up games laban sa Jordan at Lebanon.

May 1-3 kartada ang Gilas Pilipinas sa kanilang tune-up games.

Natalo sila ng Jordan sa unang game pero nakabawi sila sa ikalawa.

Pareho namang inalat sa dalawang laban nila kontra Lebanon ang PH squad.

Ayon kay Guiao, may listahan na sila ng “Final 12” sa Miyerkoles ng gabi na sasabak sa penultimate window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers na magsisimula ngayong weekend kung saan makakaharap nila ang Kazakhstan at Iran.

“Tomorrow night, ready na ‘yung Final 12,” ani Guiao.

Ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) umano ang pormal na mag-aanunsiyo ng listahan kaya ipapadala nila ito sa SBP.

Magsisimula ang kampanya ng Gilas Pilipinas para sa fifth window sa Biyernes laban sa Kazakhstan na susundan ng pakikipagtuos naman sa Iran sa December 3 na kapwa lalaruin sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?