358

By

“Filipinos are stupid” ni Curry, malaking fake news

Sharing is caring!

Wala na talagang makakaligtas sa bangis ng fake news sa panahon ngayon, kahit ang isang NBA superstar tulad ni Stephen Curry ay nabiktima rin nito.

Nakatanggap ng batikos mula sa mga Pinoy netizen ang two-time MVP at three-time NBA champion ng Golden State Warriors pagkarating niya lamang sa Manila nitong Biyernes, Setyembre 7.

Base sa isang artikulo, nagbitiw daw ng kontrobersiyal na komento ang NBA champ na labis na ikinagalit ng mga Pinoy sa social media.

“You know why Filipinos are stupid? Because they voted a killing president,” sabi umano ni Curry sa isang interview ng CNN pero lumalabas na hindi naman totoo.

Ipinasuri ito sa Agence France-Presse at kinumpirma ito bilang fake news. (Cyreel Gian Zarate)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?