65

By

Filipino, Panitikan tanggal bilang pangunahing asignatura

Sharing is caring!

Idineklara na ng Supreme Court ang Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order (CMO) No. 20 Series of 2013 na maaari nang tanggalin ang Filipino at Panitikan (Philippine Literature) sa core subjects sa tertiary education.

Sa ilalim ng CMO No. 20, nabawasan ang bagong General Education Curriculum (GEC) ng hindi bababa sa 36 units. At hindi na kinukunsidera an Filipino at Panitikan bilang pangunahing asignatura.

Samantala, umaapela naman ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (Tanggol Wika). Sinasabi nila na ang bagong curriculum ay lumalabag sa Republic Act 7104 o ang Organic Act of Komisyon sa Wikang Filipino, Republic Act No. 232 o Education Act of 1982, at sa Republic Act No. 7356 o Organic Act of the National Commission on Culture and the Arts.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?