93

Sep 22, 2019 @ 19:08
By

Filipino Hollywood star umuwi sa ‘Pinas

Sa ikalawang pagkakataon, bumisita ng Maynila si Jacob Batalon na gumanap bilang bespren ng superhero na si Spider-Man sa “Spider-Man: Homecoming” (2017) at “Spider-Man: Far From Home” (2019), upang iendorso sa bansa ang huli.

Si Jacob, Ned Leeds sa mga nabanggit na pelikula, ang unang Pinoy na bumida sa mga pelikula ng Marvel.

Nilibot ni Jacob ang GMA headquarters kahapon, Setyembre 21, 2019 matapos ang kanyang press conference. Natuwa aniya siya sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan.

“Filipinos are really a proud people and I’m very proud and love you all for being proud of me,” saad ng aktor.

“This is all very overwhelming for me,” dagdag niya.

Isinilang at pinalaki ang aktor ng mga Pilipinong magulang sa Hawaii. Bagama’t hindi nakakapagsalita sa Filipino, kaya umano niyang umintindi ng mga wikang Tagalog at Ilokano ayon sa ulat ng PEP.ph.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?