47
cebu-city-kidnap

Filipino diplomats sa Kuwait, kinasuhan ng kidnapping

Sharing is caring!

Tatlong tauhan umano ng Philippine Embassy sa Kuwait ang inisyuhan ng arrest warrants para sa kidnapping kahit pa saklaw ang mga ito ng diplomatic immunity.

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano kagabi ang naturang ulat, sa pagsalubong nito sa pagdating sa bansa ng sinipang Philippine Ambassador to Kuwait na si Renato Villa.

Nagpalabas umano ang Kuwait ng warrants of arrest laban sa naturang Filipino diplomats at apat pang tauhan ng embahada dahil sa paglabag sa kanilang soberenya dahil sa iligal na pag-rescue sa Filipino workers mula sa bahay ng kani-kanilang employers.

Nilinaw na rin ni Cayetano na hindi krimen ang nangyaring rescue missions dahil nakipag-ugnayan sila sa Kuwaiti government hinggil dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?