32
patricia-fox
May 30, 2018 @ 20:44
By

Filipino citizenship, inihirit para kay Sister Fox

Itinutulak ng Makabayan bloc na bigyan ng Filipino citizenship ang Australian missionary na si Sr. Patricia Fox matapos kanselahin ng Bureau of Immigration ang kanyang missionary visa.

Nakasaad sa House Bill 7806 na halos tatlong dekada nang naninirahan sa Pilipinas si Fox.

Malaking parte umano ng buhay nito ay inilaan sa pagsisilbi sa mga Pilipino lalo na sa mahihirap.

Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Carlos Isagani Zarate, dahil sa mahabang panahon na inilagi ni Sr. Fox sa Pilipinas, minahal na ng madre ang kultura ng mga Pilipino at sa katunayan ay nakapagsasalita na ito ng wikang Filipino.

Sa halip na ipa-deport, dapat pa nga daw kilalanin ng gobyerno ang mga nagawa ni Fox.

“Congress has granted Filipino citizenship to foreigners who donated schools or multi purpose halls to Filipino communities, but Sr. Pat gave countless Filipino farmers and indigenous people a big part of her life. It is but right for us Filipinos to recognize this and show our appreciation by making her one of us Filipinos,” sabi ni Zarate.

“Granting Filipino Citizenship to Sr. Patricia Ann Fox would be much more than a fitting recognition for her selfless service to the poor and oppressed Filipinos. It is a response to the call of many farmers, fisherfolks, and indigenous people whose lives were touched and helped by Sr. Pat,” dagdag ng kongresista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?