84

By

Filipina Rachel Gabreza, grand champion sa singing contest sa London

Habang patuloy pa ring umaani ng papuri si KZ Tandingan sa Chinese community and worldwide, heto at sumingit naman ang isa pang Pinoy pride na dating grand finalist ng Tawag Ng Tanghalan ng It’s Showtime!

Ito ay walang iba kundi ang biriterang si Rachel Gabreza na itinanghal bilang Champion of Stars of Albion Grand Prix 2018 sa 5th International Performing Arts Festival & Competition na ginanap sa London, UK.

Sa nasabing kumpetisyon, tinalo lang naman ni Rachel ang mga kalaban niya mula sa mga bansang Russia, Great Britain, Malta, USA, Bulgaria, Ukraine, Greece, Cyprus, Estonia, India, Georgia, Armania, Latvia, at Ghana.

Ipinost nga ni Rachel ang picture ng kanyang trophy at certificate of recognition at mga pasasalamat niya na sobrang haba ng listahan ng mga tumulong sa kanya upang makarating sa London at ipagmalaki ang pagiging isang talentadong Pinay.

Well, sa mga ganitong kumpetisyon, alam nating lamang na lamang tayo na laging nasasama sa listahan bilang World’s Best Singers dahil sampu-sampera talaga sa atin ang mahuhusay na mang-aawit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?