9
tennis
By

Filipina netter Alex Eala, papalo sa Jr. World Tennis

Sharing is caring!

SASABAK ang Pinay tennis prodigy na si Alex Eala sa Roland Garros Junior World Tennis Championship ngayong Hunyo sa Paris.

Kamakailan lang ay nagwagi ang 13-anyos na tennis player sa Les Petit 14 Tournament sa parehong bansa laban kay Linda Nozkova ng Czech Republic.

“I really wasn’t expecting to win. When I first saw them, I knew a lot of the players. Based on experience they were really good because I had seen them before in other tournaments. They played really well. I was a bit nervous pero there was no harm in trying,” ani ni Alex.

Bukod pa sa nasabing tournament ay tutuntong rin si Eala sa Graded A o highest International Tennis Federation sa French Open Juniors Tennis Qualifiers na magsisimula sa Mayo 21 sa Paris, France.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?