23

By

Filipina caregiver ng ama ng Israel Prime Minister, bumisita sa Palasyo

Sharing is caring!

Panauhin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang ang Filipina caregiver na nag-alaga sa tatay ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Si Lispeth Francisco, na nagmula sa Mindoro, ay sinamahan ng kanyang pamilya nang magtungo sa Malacañang para mag-courtesy call kay Pangulong Duterte.

Matatandaang sa biyahe ng Pangulo sa Israel ay ipinabatid sa kanya ng Prime Minister kung gaano inalagaang mabuti ng Filipina caregiver noon ang amang si Benzion Netanyahu.

Pinuri ni Netanyahu ang magaling at maayos na pag-alaga ni Francisco sa kanyang ama at ibinilin kay Pangulong Duterte ang pasasalamat sa magandang serbisyo nito sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang ama.

Nakipagkuwentuhan ang Pangulo kay Francisco at nagpasalamat dahil sa magandang ipinakita sa trabaho sa ibayong dagat.

Matatandaang inihayag ng Pangulo noong nasa Israel na masaya ito dahil maganda ang pagtrato ng mga Israeli sa mga manggagawang Pinoy hindi katulad ng ibang bansa sa Middle East na sinasaktan at minamaltrato ang mga overseas Filipino worker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?