165

Filinvest-Crimson Hotel, tuloy ang ligaya sa Boracay

Sharing is caring!

Tuloy ang ligaya ng isang bigating resort sa Boracay kahit pa pansamantalang ipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing sikat na isla sa Lalawigan Aklan nitong Abril upang sumailalim sa anim na buwang rehabilitasyon.

Ayon source ng Abante, palihim na tumatanggap at nagpapasok ng mga VIP guests ang Crimson Resort and Spa na matatagpuan sa Station 1 ng isla, at isa na dito ang aktres na si Alice Dixson.

Base sa mga larawan at mga video na naka-post sa kanyang Instagram account, makikitang pagala-gala habang nagse-selfie ang “Ang Probinsyano” cast sa dalampasigan ng Boracay habang ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-49 na kaarawan nitong Sabado, ika-28 ng Hulyo.

Nakalagay pa sa caption ng kanyang ipinost na video blog ang mga katagang: “Capturing this moment that will NEVER happened again!!! My birthday all alone on Boracay beach front… just the 3 of us.”

Itinampok din niya sa kanyang mga video kung gaano na kalinis at isla sapul ng ito’y ipinasara ng Malacanang nitong Abril 26.

Ayon sa source, si Dixson at ilan sa kanyang mga piling kasama ay dumating sa bayan na Kalibo nitong Sabado, pero hindi pa malaman kung paano at kung sino ang umayos ng kanilang lakad.

Hindi din alam kung paano nalusutan ng kanyang grupo ang mahigpit na pagbabantay ng Joint Task Force Boracay na pinamumunuan ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG).

“Alice was hosted by Crimson Resort in Station 1. Hosted by the (resort) general manager Mr. Laurent Bourgueis,” sabi ng source sa Abante.

Ang Crimson Resort and Spa ay pag mamay-ari ng Filinvest Development Corporation ng Pamilya Gotianum na sila may-ari ng iba pang sikat na kumpanya sa bansa kagaya ng East West Bank, ALG Holdings, at Davao Sugar Central Corporation.

Ang isla ng Boracay ang kasalukuyang nakapasailalim sa State of Calamity mula nang ito’y pansamantalang ipasara para mapabilis ang rehabilitasyon nito dulot ng kapabayaan ng mga resort owners at local na opisyales ng Bayan ng Malay. John Carlo cahinhinan

Sakop ng nasabing proklamasyon ni Pangulong Duterte ang mga barangay ng Balabag, Manoc-Manoc at Yapak. Pansamantalang isasara ang isla sa loob ng anim na buwan, mula Abril 26 hanggang Oktubre 25 ngayon taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?