65
aj-edu
Feb 19, 2018 @ 17:18

Fil-Nigerian AJ Edu, nakatanaw sa Gilas matapos matuto sa NBA

Isang daan patungo sa NBA ang pagsabak sa Basketball Without Borders (BWB) program ng liga.

Sa ginanap na 2018 All-Star Weekend sa Los Angeles, may bitbit na 67 tinedyer ang BWB, na kinatawan ng 36 na bansa, na sumabak sa tatlong araw na camp.

Kabilang sa mga kabataang players na sumalang dito si Filipino-Nigerian AJ Edu, na nakabase sa Britanya.

“It’s been an amazing experience, really, playing with such a high level competition,” anang 18-anyos na si Edu sa ABS-CBN News. May taas itong 6-foot-10.

“It’s been amazing, some great coaches. I got to meet NBA players. Overall, a great experience,” dagdag pa niya sa naging karanasan.

Ginagawa umano niya ang paglalaro hindi lamang para siya ay makilala kundi para rin katawanin ang Pilipinas.

Nito lang taon nang pangalanan si Edu sa 23for23 pool ng Gilas Pilipinas, kung saan may tiyansa siyang katawanin ang bansa sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

“That’s also on my mind,” ani Edu. “I’m obviously really delighted to be selected for the World Cup 2023 initial squad, so I’m also working towards that as well.”

Dala ngayon ni Edu sa England ang nakuhang skills sa NBA, kung saan niya tatapusin ang kanyang high school.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?