ABANTE Mike Williams

Fil-Am Mike Williams susi sa panalo ng Saigon Heat vs Chong Son Kung Fu

Sharing is caring!

Ipinalasap ng Saigon Heat ang unang tatlo ng Chong Son Kung Fu 96-93, sa pagpapatuloy ng Asean Basketball League sa CIS Arena sa Ho Chi Minh City.

Nangolekta ng 35 puntos at 12 rebounds si Maxie Esho habang nagpakitang gilas na naman ang Fil-American na si Mike Williams na nagkamada ng 24 puntos, five rebounds, at seven assists paara iakyat ang Heat sa 4-2.

Ito ang pangalawang beses na ginapi ng Heat ang dalawang koponan na hindi pa natatalo sa ABL. Una nang tinalo ng Saigon ang Hong kong Eastern Lions noong nagdaang Martes.

Namuno naman para sa Chong Son Kung Fu ang isa pang Fil-American na si Caelan Tiongson sa kanyang 23 puntos at pitong rebounds.

Nasa ikalawang puwesto sa standing ang Chong Son, 4-1.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?