95

By

Fil-Korean na illegal recruiter, inaresto sa Makati

Sharing is caring!

Naaresto ang isang babaeng illegal recruiter ng mga operatiba ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sa kanyang inuupahang unit sa Bel Air Makati City.

Kinilala ang suspek na si Jenelyn Betacura, Filipina-Korean national, may asawa, 31 taong gulang, tubong Salvador, Lanao del Norte.

Ang entrapment operations ay ikinasa ng CIDG matapos makatanggap ng reklamo mula sa tatlong mga biktima ng suspek na hinikayat na magtrabaho umano sa Inchon, South Korea bilang mga factory workers.

Ayon sa mga biktima sila ay pinangakuan ng suspek ng trabaho sa Korea na may mataas na sahod na aabot umano sa P150,000 hanggang P200,000 kada buwan.

Nanghingi umano ang suspek ng perang nagkakahalaga mula P45,000 hanggang P260,000 mula tatlong biktima para umano sa agarang pagproceso ng kanila biyahe papuntang Korea.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang suspek ay Pilipina at citizen din ng South Korea at halos lahat ng kaniyang biktima ay pawang taga Lanao del Norte at iba pang lalawigan sa Mindanao.

Nahaharap ngayon sa kasong illegal recruitment at estafa ang suspek. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }