21

Mar 3, 2021 @ 23:25
By

Fil-Kiwi swimmer gold sa Australia

Pumukaw ng pansin sa katatapos na Victorian Open Long Curse Championships sa Australia si Filipino-Kiwi swimmer at Tokyo Olympics hopeful Luke Gebbie.

Isang gold, dalawang silver at isang bronze medal ang sinungkit ng 2019 Southeast Asian Games bronze medalist sa swimfest nitong Pebrero.

Naghari sa men’s 100-meter butterfly event si Gebbie, na kinatawan nga lang sa paligsahan ang Melbourne Vicentre Swimming Club. Nagtala siya ng 55.83 segundo.

Pumangalawa naman ang 24-year-old swimmer sa 50-m fly (25.27) at sa 50m freestyle (23.29), at pumangatlo sa 100m frees (51.27).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?