184

Dec 13, 2017 @ 15:28

Fil-Japanese boxer, bagong pambato ng ALA Promotions

May bagong boksingero ang ALA Promotions na ihahanay sa world champions gaya nina Donnie Nietes at Milan Melindo.

Kamakailan lang ay pinapirma ng ALA Promotions ang Fil-Japanese amateur champion na si Go Hosaka matapos iprisinta ng trainer nito na si Dante Garcia ang isang video na nagpapakita ng sparring nito at kakayanan bilang boksingero.

Sinabi umano ni ALA Gym head coach Edito Villamor sa SunStar Cebu, ang boksingero na may edad na 21 ay anak ng isang Pinay at Hapon.

Malaki umano ang potensiyal nito dahil sa angking husay at lakas.

Nag-umpisa umano itong magboksing nang 14-anyos pa lamang at nakasikwat na ng bronze medal sa Asian Boxing Championship sa Thailand at sa AIBA Youth World Boxing Championship sa Bulgaria.

May impresibo rin itong amateur record na 55-10 sa lightweight division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?