15
abante-tnt-vismin-japanese-baller
By

Fil-Japanese baller, emosyonal sa pakikipagkita sa inang Pinay!

Sharing is caring!

Higit sa paglalaro sa FIBA 3×3 World Cup, mas may malaking misyon pa ang Japanese baller na si Tatsuhito Noro sa kanyang pagpunta sa Pilipinas.

‘Yon ay upang makitang muli ang kanyang ina.

“This was my biggest goal, to make it here and be on the national team, I made the team at the last moment and I’m happy to play in from of my mother and grandmother,” ani ni Noro sa kanyang translator.

Ito ang unang pagtatagpo ng mag-ina sa Pilipinas mula nang sumailalim sa operasyon si Alma Miwa, ina ni Noro, dahil sa brain tumor noong Disyembre ng nakaraang taon.

“Sobrang saya ko na napanood ko ang anak ko at nakita ng lola niya ang apo niya,” ayon kay Miwa.

Bagama’t laglag na ang Japan sa torneo na nanalo lang ng isa sa kanilang apat na laro, panalo pa rin ang 29-anyos na masayang nasilayan ang kanyang pamilya sa ‘Pinas.

“Basketball always connects people, and that includes me and my mother. I’m really thankful to basketball,” pahayag ni Noro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?